CBCP muling nanindigan sa RH bill, PNoy pinaalalahanan

MULING nanindigan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) hinggil sa mariin nilang pagtutol sa kontrobersiyal na Reproductive Health (RH) bill na anila’y ginawa base sa “secularist at materialistic spirit.”

Ang pahayag ay ginawa mismo ni CBCP President at Tandag Bishop Nereo Odchimar isang araw bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III ngayong araw.

Ayon kay Odchimar, sa sandaling maipasa ang panukala na sinusuportahan ng pangulo ay maaaring makasira sa moralidad ng lipunan.

“It is a spirit that considers moral and religious norms as regressive. The bill ignores moral and religious considerations in the name of democracy and freedom of choice in a pluralist society,” ani Odchimar, sa isang kalatas.

Kasabay nito, umapela rin si Odchimar sa mga mananampalataya na protektahan ang Christian values sa pamamagitan nang pag-reject sa panukalang batas.

Giit ni Odchimar, ang pagbalewala sa moral values ay moral corruption, na magreresulta sa korapsiyon sa pampubliko at pribadong buhay.

Ito’y bunga rin aniya ng pagkasira ng lipunan at disentegrasyon.

Binigyang-diin pa ni Odchimar na ang karapatan ng tao na mamili ay dapat na palaging ginagabayan ng gospels o mga Salita ng Panginoon at mga aral ng simbahan.

Kilalang magkakontra ng pananaw ang simbahan at si Pangulong Aquino pagdating sa RH bill, dahil mahigpit ang pagtutol ng simbahan sa naturang panukalang batas, na sinusuportahan naman ng pangulo.

Kasabay ng SONA ay ang ika-43rd anibersaryo rin ng “Humanae Vitae,” na landmark papal letter hinggil sa ‘uncompromising stand’ ng simbahan laban sa birth control.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply