CBCP sa bagong Ombudsman: ‘Wag mamili ng kakasuhan ng korupsiyon

PINAYUHAN ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang bagong Ombudsman na si Conchita Carpio Morales na huwag maging selective sa pagsasampa ng mga kaso ng katiwalian.

Ayon kay Tagbilaran Bishop Leonardo Medroso, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Canon Law, hindi dapat i-single out ni Morales ang mga kasong kinasasangkutan ni dating pangulo, ngayon ay Pampanga Second District Representative Gloria Macapagal-Arroyo.

Bilang watchdog ng gobyerno, trabaho aniya ng Ombudsman na panagutin sa batas ang lahat ng mga tiwaling opisyal ng pamahalaan,  hindi lamang sa panahon ni GMA kundi maging sa mga nakalipas at kasalukuyang administrasyon.

Sinabi ng Obispo na maliban sa graft and corruption, dapat din aniyang paigtingin ng

Ombudsman ang pagsasampa ng kasong kriminal sa mga tiwaling pinuno ng pamahalaan.

Hinimok din ng Obispo ang bagong Ombudsman na magtakda ng time frame sa mga kaso upang maalis na ang kulturang Pilipino na “justice delayed, justice denied.”

Sinabi ng Obispo na masyadong mabagal ang proseso ng hustisya sa bansa kung saan ang mga mahihirap ang laging talo at kawawa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply