CBCP statement tatanggapin ng Palasyo

TATANGGAPIN ng Malakanyang ang pahayag ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na handang harapin ng mga sangkot na obispo ang pananagutan sa pagtanggap ng donasyon mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Humingi na rin ng paumanhin ang CBCP kung sakaling may nasaktan sa kontrobersya kung saan nakaladkad ang ilang mga obispo.

Nakikiusap din ang mga obispo na huwag silang agad husgahan at hitaying lumabas ang katotohanan.

Sinabi ngayon ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, patas lamang din ang panawagan ng mga obispo na huwag silang agad husgahan.

Ayo kay Valte, dapat talagang hayaang dumaan sa proseso ang lahat para malaman ang katotohanan.

Gayunman, hindi umano alam ng Palasyo kung anong consequence ang tinutukoy ng CBCP dahil nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Senado.

Hayaan umanong matapos muna ang lahat ng mga imbestigasyon bago sabihin kung anuman ang pananagutan ng mga obispo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply