CCT beneficiaries apektado sa dagdag bawas sa national budget

DAGDAG-BAWAS hindi lamang sa eleksyon kundi maging sa listahan ng mga benepisyaryo ng conditional cash transfer (CCT) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa pagsusumite ng 2012 proposed national budget sa Kamara, inamin ni Budget and Management Secretary Butch Abad na may ilang pagkakamali sa listahan ng mga benepisyaryo

“There is bound to be some inaccuracies but we would like to assure you that for the most part it is only minor inaccuracies that do not affect the  integrity of the national household targeting service,” pag-amin pa ni Abad.

Bago matapos ang 2011 ay tiniyak din ni Abad na aabot sa 2.3 milyon ang benepisyaryo ng CCT, pagsapit ng 2012 ay 3 milyon at pagsapit ng 2015 ay may target na 5.2 milyon.

Ang P1.816 Trilyong badyet para sa susunod na taon ay isinumite ng DBM sa Kamara kaninang hapon lamang kung saan tiniyak ni Cavite Rep. Joseph Emilio Abaya, chairman ng House Committee on Appropriations na agad sisimulan sa Lunes ang paghimay ng komite sa panukala.

Pinakamalaking nakuhang pondo para sa 2012 ang Department of Education na may alokasyon na P238.8 bilyon o mas mataas ng 15.2% sa 2011 budget na P207.3 bilyon.

Sumunod dito ang Department of Public Works and Highways na may P125.5 bilyon; Department of National Defense na P107.9 bilyon; Department of Agriculture P54.1 bilyon at ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na P49.4 bilyon mula sa nakaraang badyet nito na P34.3 bilyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply