CCT fund may tinitingnan sa tinititigan na benepisyaryo

DAPAT lang daw na harangin ni Sen. Chiz Escudero ang additional Conditional Cash Transfer (CCT) Fund sa 2012 sa mga lalawigan dahil sa halip na mapunta ang benepisyo sa mga  mahihirap ay sa  mga mayayaman.

Hindi parehas ang ginagawang pamamahagi ng Department of Social Welfare Division (DSWD) sa CCT sa mga mamamayan.

May tinitingnan sa tinititigan ang DSWD sa pamamahagi ng CCT.

Basahin natin ang nilalaman ng reklamo ng ilan sa mga concerned citizen.

Gud day po,  Sir Johnny.

Pabor ako na harangin ni Sen. Chiz ang additional na CCT Funds sa 2012  lalo na sa lalawigan ng Quezon at Sorsogon.

Dahil totoo na hindi lahat ng beneficiary rito ay mahihi-rap. Tulad na lang sa lugar namin sa Tagkawayan, Quezon.

Ang mga DSWD sa amin, halos ang mga kamag-anak at kakilala lang nila ang ginagawang beneficiary ng nasa-bing programa ng Palasyo.

VK AT LOTENG NI SOLA PADER KAY PD

Walang tigil sa pag-oo-perate ng mga videokarera (VK) at loteng itong si Bong Sola
sa lalawigan ng Rizal.

Hindi mapatigil dahil sa pinoproteksyunan ito ng ilang tiwaling kapulisan ng Rizal.

Halos kaliwat-kanan ang operasyon ng mga VK at loteng ni Bong Sola sa Rizal pero ni hindi man lang  ipinatitigil ni EPD Director Gen. Ma-nuel Cesar Prieto.

Ang nakalulungkot dito, kahit ilang beses nang inirereklamo ng mga Rizaleño ang naglipanang mga iligal na sugalan ni Bong Sola ay hindi raw umaaksyon ang naturang heneral.

KTV SA ONGPIN SALOT SA CHURCH

Hindi pa rin daw tumitigil ang ginagawang pagkakalakal ng Lido de Praish KTV sa Ongpin sa katawan ng mga babae at  GRO nito.Malakas daw ito  kay Mayor Fred Lim.

oOo

Anomang reklamo o puna itext lang sa 09189274764,09266719269 o mag-email sa juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply