CCTV ikakabit sa bus terminals

MAY plano ang Department of Transportation and Communications (DOTC) na maglagay ng mga close-circuit television camera (CCTV) sa lahat ng bus terminal upang ma-monitor ang pagpasada ng mga kolorum na mga pamprobinsyang bus.

Ayon kay Transportation Secretary Manuel “Mar” Roxas, malaki ang maitutulong ng paglalagay ng mga CCTV sa pagpigil ng mga iligal na aktibidad ng mga bus na walang permisong bumiyahe sa Kamaynilaan.

“Isa sa naisip ko lagyan ng CCTV ‘yung bawat terminal ng bus para malaman natin kung ilan ba talaga ang lumalabas at pumapasok na bus sa garahe na pag-aari ng nasabing kumpanya,” ani Roxas.

Inamin rin nang kalihim na ito ay plano pa lamang at hindi pa tiyak kung kailan ito iiimplementa.

Kasalukuyang ini-update na rin ang listahan ng mga awtorisadong bus na kumpleto sa dokumento at may ligal na prangkisa ang pinahihintulutan lamang bumiyahe.

Makikipagpulong din ang kalihim kay Land Transportation Office (LTO) chief Virginia Torres at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Nelson Laluces kaugnay ng nasabing plano.

Inatasan na rin ni Roxas ang LTO at LTFRB na mag-update ng mga rehistradong bus.

Ayon umano sa kanyang nakuhang listahan ay mayroong 3,700 bus ang tumatakbo araw-araw sa kahabaan ng 24-kilometrong ng Epifanio delos Santos Ave. (Edsa), habang mayroong namang 4,300 provincial buses ang bumibiyahe at may terminal sa Edsa, partikular na sa Cubao at Pasay area. Jhie Convocar

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply