Cessna plane bumagsak sa Pampanga, 2 todas

PATAY ang dalawa katao makaraang mag-crash ang isang cessna plane sa Brgy. Sta. Maria, Magalang, Pampanga ngayong gabi.

Sa ulat ng Magalang, Pampanga PNP, naganap ang aksidente 6:00 ng gabi.

Lumalabas na namatay ang dalawang biktima makaraang maipit.

Ayon kay Dir. Gen. Ramon Gutierrez ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), ang eroplanong sangkot sa insidente ay RPC-8839, C-152 aircraft na pagmamay-ari ng Omni Aviation, nakabase sa Clark, Angeles City.

Patuloy pang inaalam ang pagkakilanlan ng dalawang biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply