Check-up ni Ampatuan sa Heart Center pinayagan

PINAYAGAN na ng Quezon City Regional Trial Court na makapagpa-checkup na sa Philippine Heart Center si suspended Maguindanao Mayor Zaldy Ampatuan Jr. matapos tanggihan ng St. Lukes Medical Center sa Taguig City .

Nagpadala na ng advance team ang Bureau of Jail Management and Penology katulong ang Quezon City Police District para sa ilalatag na seguridad sa paligid ng Heart Center kung saan ihahatid ang detenidong si Zaldy Ampatuan.

Kanina ay pinayagan ni Judge Solis Reyes ng Barnch 221 ng QCRTC ang petisyon inihain ni Atty. Ferdausi Abbas, legal counsel ni Ampatuan para makapagpagamot.

Nauna nang tinanggihan ng St. Lukes Medical Center sas Taguig City ang kahilingan ni Zaldy na sa kanila makapagpagamot sa dahilan ng seguridad.

Tinataya namang mananatili sa nasabing pagamutan hanggang Biyernes si Zaldy.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply