Chief of police, 1 pa todas sa engkwentro

PATAY ang chief of police sa isang bayan sa Ilocos Norte kasama ang isa nitong tauhan nang makipagbarilan sa  pangkat ng holdaper na nanloob sa isang bodega sa ulat ng pulisya, Linggo ng umaga.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, napatay sa enkuwentro ang hepe ng Marcos municipality sa  Ilocos Norte na si P/Chief inspector Naldo Arumin at kasama na si SPO3 Danny Ballesteros.

Inihayag ni SPO4 Patricio Salem, imbestigador ng Marcos PNP na hinabol ng dalawa niyang kasamahan ang grupo ng mga nangholdap sa bodega ng softdrinks sa Brgy. Lydia, nasabing bayan.

Bago umano tuluyang malapitan ni Maj Arumin ang mga suspek ay agad na nagkaroon ng putukan at nahagip ang dalawang pulis.

Sinabi pa ni Salem na isa sa pangkat ng mga holdaper ang napatay habang isa pa ang malubhang nasugatan.

Agad na naglunsad ng hot pursuit operation ang mga tauhan ng Marcos PNP sa ikadarakip ng mga suspek.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply