Child protection campaign sa Masbate tututukan vs HIV

TUTUTUKAN ng pamahalaang lokal ng Masbate ang mga kabataang namimiligrong maabuso, mapagsamantalahan at mahawa ng HIV-AIDS.

Sa tulong ng Sixth Country Program for Children ng United Nations Children’s Fund (Unicef), pagtutuunan ng pansin ng lokal na pamahalaan ang pagtangkilik sa mga batang lantad sa pang-aabuso, pagsasamantala at pagkahawa sa HIV-AIDS.

Sa workplan na ginawa ng Provincial Social Welfare and Development Office, ihahanda nito sa taong kasalukuyan ang mga serbisyo katulad ng pagtuturo sa pamayanan at mga paaralan kung paano bibigyang proteksyon ang mga bata laban sa child trafficking, pang-aabuso, pagsasamantala at pagkahawa sa HIV-AIDS.

Ayon kay Amy Danao, provincial social welfare officer, pakikilusin din ang Local Councils for the Protection of Children sa antas ng mga bayan at barangay.

Bukod dito, bibigyan din ang mga out-of-school youth sa Masbate ng life skills education, vocational skills training at aral kung paano pangalagaan ang sarili laban sa pang-aabuso at pananamantala.

Dahil sa kahirapan sa Masbate, lumabas sa mga pagsusuri na maraming bata sa lalawigan ang lantad sa pang-aabuso at pagsasamantala.

Ang paglalatag ng child protection ay ipapatupad hanggang sa katapusan ng taong kasalukuyan.

Ayon kay Grace Agcaoili ng Unicef, magtatapos sa Disyembre ang 6th Country Program for Children na sa nakalipas na 12 taon ay nagbigay ng milyun-milyong piso bilang funding assistance sa programa ng pamahalaan para sa kapakanan ng kabataan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply