China hardliners dinedma ng Malakanyang

DEDMA ang Malakanyang sa naging banta ng ilang “China hardliners” laban sa ibang umaangkin ng Spratly Islands.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, hindi naman kumakatawan sa Chinese government si Shen, gayundin ang binabanggit nitong hardliners sa CMA.

Ayon kay Valte, “government-to-government” ang kanilang pakikipag-ugnayan sa China, gayundin sa ibang claimants ng Spratlys.

“Well, from what we understand that the opinion, that particular opinion was expressed by some sectors in China. And from what we also understand is that China has continually committed to abiding by the declaration of the Code of Conduct in the South China Seas. And that in the recent meeting of our Foreign Affairs Secretary with the Chinese Foreign Minister, they have, number one – and I know that Secretary Lacierda is laughing when I say number one – we will continue to have good relations with China despite this particular dispute; and second, that both countries have committed to resolving the dispute peacefully and diplomatically. That is the position of their government as conveyed to ours,” anito.

Matatandaang sinabi ni Shen Hong-Fang, isang Chinese Southeast Asian expert, ilan sa Chinese Military Academy (CMA) ang nagsasabing dapat turuan ng leksyon ang mga karatig-bansang nanghihimasok sa kanilang teritoryo.

Ilan umano ang naniniwalang “justifiable” ang paglulunsad ng giyera sa ibang claimants tulad ng Pilipinas at Vietnam.

Naniniwala umano ang Palasyo na committed ang China sa payapang resolusyon ng problema.

Naging maganda rin ang biyahe ni Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario sa China kung saan pinagtibay ng dalawang bansa ang matagal nang pagkakaibigan at kooperasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply