China tutol sa biyahe ng 5 kongresista sa Spratlys

MARIING tinututulan ng China ang plano ng limang Kongresista na bibiyahe sa Spratly Island para sa isang sovereign mission ngayong Miyerkules, Hulyo 20.

Kabilang sa mga kongresistang bibisita sa Spratlys ngayong araw ay sina Representatives Walden Bello, Arlene Bag-ao, Emmeline Aglipay, Teddy Brawner Baguilat at Ben Evardone.

Inamin ni House Speaker Sonny Belmonte na hindi awtorisado ng Kamara ang biyahe ng limang nabanggit na kongresista pero karapatan ng mga ito na gawin ito bilang mambabatas.

Katwiran ng China, isasabotahe ng naturang biyahe ang relasyon ng Pilipinas at China.

Nagpahayag na pagka-alarma ang embahada ng China sa nasabing hakbang ng mga Filipino officials. Ayon kay Chinese embassy spokesman Ethan Sun, tinuturing umano nilang paglabag sa Declaration of Conduct of Parties to the South China Sea ang naturang biyahe ng mga kongresista.

Nagbanta pa ang opisyal na posibleng magbubunga lamang ito ng tensyon sa rehiyon.

Una na ring pinaalalahanan ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. ang mga kapwa nito kongresista na ipaubaya na lamang sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang usapin sa Spratlys.

Layunin umano ng tinaguriang “Peace and Sovereignty Mission” ay pagpapakita ng suporta ng mga mambabatas sa kampaniya ng gobyerno na igiit ang karapatan sa pinag-aagawang teritoryo.

Layunin din umano ng lakad ay para makakuha ng mga impormasyon na maaring magamit sa pagbalangkas ng batas para lalo pang mapalakas ng Pilipinas ang katayuan nito sa Spratlys. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply