Chinese businessman todas sa ambush

HINIHINALANG kalaban sa negosyo ang nagpatumba sa isang negosyanteng Fil-Chinese na inambush sa labas ng kanyang bahay sa Tondo, Manila Miyerkules ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Roderick Pamillio Mercado, 51, dealer ng prutas at gulay sa Ninoy Aquino International Airport at residente ng 2318 Gamban St., Balut, Tondo.

Batay sa ulat, dakong 7:30 ng umaga nang maganap ang krimen sa labas ng bahay ng biktima.

Nabatid sa report ng pulisya, lulan ng Hyundai van na puti (ZMC 743) ang biktima palabas ng kanilang bahay ng barilin nang malapitan ng hindi nakilalang suspek.

Nagawa pang makalabas ng sasakyan ang biktima at nagpahatid sa pagamutan pero binawian din ng buhay.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply