Chinese national hinarang sa NAIA

HINARANG ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport ang isang Chinese national dahil sa mga dalang iba’t ibang uri ng powdered chemicals at laboratory flask bottles na tinangkang ipasok sa bansa.

Ayon kay Customs police district III commander Col. Marlon Alameda, ang pasahero ay nakilalang si Lifei Shi, kararating lamang sa Ninoy
Aquino International Airport terminal 3 lulan ng Cebu Pacific Air
flight 5J-679 mula Shanghai.

Napag-alaman kay Alameda na nadiskubreng may anim kahina-hinalang plastic bags na may iba’t ibang uri ng powdered chemical sa loob ng luggage ng pasahero, ang tatlo ay kulay puti habang ang isa ay yellowish, isang orange, isang grayish at mga laboratory flask bottle na kinabibilangan ng limang pirasong brunette glass pipe na nakalagay sa loob ng isang stainless tubing.

Agad nagsagawa ng testing sa naturang chemical ang mga tauhan ng Customs Task Force on Dangerous Drugs Controlled Chemical sa pangunguna ni Sherwin Andrade at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Napag-alaman na ilan sa mga chemical ay sobrang mapanganib at masyadong matapang dahil natunaw agad pagkatapos mailagay sa testing kits ng PDEA, ayon kay Andrade.

Base sa Chinese, ang chemical ay gagawing fertilizer, pero, nagduda ang mga awtoridad na posibleng may halong substance ito na maaaring gawing pampasabog.

Inilipat na sa kustodiya ng PDEA ang Chinese para isailalim sa
imbestigasyon, at isasailalim din ang chemicals sa masusing pagsusuri.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply