Chiz tinabla ni JPE sa 2004 elections probe

TINABLA ni Senate President Juan Ponce Enrile ang panukala ni Sen. Francis “Chiz” Escudero na magbuo ng joint congressional fact-finding body upang imbestigahan kung sino talaga ang nagwagi sa 2004 presidential election.

Kahit hindi kabisado ang prescription period sa paghahain ng reklamo, sinabi ni Enrile na kung kailangan lamang na patunayan na nagkaroon ng dayaan sa 2004 election, dapat ipaubaya na lamang ito sa Department of Justice na may kapangyarihan at kakayahan na mag-imbestiga.

“Sinabi ko na sa aking paningin, dapat ‘wag ng gawin ‘yun. Dapat mausisa ‘yan kung mayroon mang dayaan, at kung may ebidensiya na may dayaan ay dapat dalhin na yan sa may kapangyarihan na magsakdal sa kanila para diretso na sa husgado,” ayon kay Enrile.

Sinabi pa ni Enrile na pawang moot and academic na kung dapat madetermina ang tunay na nagwagi sa 2004 presidential election dahil napagsilbihan na ni dating Pangulo, ngayon Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang termino at nagsara ang protesta nang mamayapa si
Fernando Poe Jr.

“Wala. Wala na, tapos na,” ayon kay Enrile.

Aniya, kung gusto lamang ni Escudero na maparusahan ang nandaya sa halalan tulad ng pagkanta ni dating Maguindanao election supervisor Lintang Bedol at dating ARMM Gov. Zaldy Ampatuan, hindi nakakasapat ang dayaan sa lalawigan dahil maaaring may dayaan din sa ibang lugar.

“Sa akin, what is the purpose of the investigation? To punish? If it is only to punish for cheating in elections, the case of Maguindanao will be enough. If there was cheating there,  that’s a crime. The cheating in Maguindanao is separate from the cheating in Cagayan, cheating in Lanao, cheating in Batanes, cheating in Tawi-tawi. Each one of those will be a separate crime,” paliwanag ni Enrile.

Sinabi pa ni Enrile na kung gusto ni Escudero na talagang madertimina kung sino ang tunay na nagwagi noong 2004 presidential election, kailangan rebisahin ng Presidential Electoral Tribunal ang buong proseso ng halalan, hindi lamang sa Maguindanao.

When you want to determine the winner in an election, especially in a national election, you have to go over all the precincts not just Mindanao. Mindanao does not elect a president,”ayon kay  Enrile.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply