Chlorine gas bumalot sa Baghdad : 700 katao nalason

TINATAYANG 700 ang nalason makaraang makalanghap ng chlorine gas nang sumabog ang isang water treatment plant sa Baghdad, Iraq.

Nabatid na bumalot umano sa Baghdad ang chlorine gas na ikinalason ng mga biktima na karamihan ay mula sa Sadr City kung saan nakatira ang mahihirap na Shiites.

Kinumpirma ni Iraqi Health Ministry spokesman Dr. Ziyad Tariq ang pagkalason ng mga biktima na kasalukuyang ginagamot ngayon sa iba’t ibang ospital.

Sinasabing ang mechanical problem ang dahilan ng pagsabog ng water treatment facility sa kabisera ng Iraq.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply