Claudine tanggap na ang pagkalaos

TANGGAP na ni Claudine Barretto ang kanyang pagkalaos. Kung dati ay sobrang mapili siya sa mga tinatanggap na project, ngayon kahit na ano lang ay kanyang tinatanggap na. Tulad nitong isang fantaserye na mukhang hindi naman kagandahan ang kwento pero tinanggap ng aktres.

Mukhang tanggap na niya ang kanyang pagkalaos dahil sa hindi na mapigilan niyang pagtaba. Sa true, kamukha na ni Claudine ang kanyang ate na si Marjorie Barretto na sobrang lapad ng katawan. Kaya siguro nawala na ang ilusyon ni Claudine na maging reyna ng primetime sa telebisyon.

Kaya ngayong tanggap na nito ang kanyang pagkalaos ay siguradong tatanggap na siya ng mga supporting role.

Kawawa naman si Claudine, sana kung hindi naging matigas ag ulo niya at nag-stay lang siya sa Dos ay hindi niya mararanasan ang ma-itsapwera tulad ngayon na hindi na siya nabibigyan ng importansya.

oOo

Todo na ang kayabangan, Vice Ganda, kinalaban na si Boss Vic del Rosario

NAABOT na ni Vice Ganda ang kanyang pinangarap na kasikatan. Matagal ding panahon bago narating ni Kabayo ang kanyang ambisyong sumikat. Halos dumaan siya sa butas ng karayom bago niya narating ang kanyang narating sa ngayon.

Sobrang ini-enjoy nito ang kanyang narating kaya sinusulit niya ang pagkakataon. Kaya lang, napakasama naman ng epekto ng kasikatang kanyang tinatamasa dahil unti-unti na niyang sinusuwag ang mga taong tumulong sa kanya para makamit niya ang tugatog ng tagumpay.

Isa sa mga nagrereklamo sa biglang pagbabago ng kanyang ugali ay ang big boss ng Viva na si Vic del Rosario na unang nagtiwala kay Vice para magkaroon siya ng pelikula at concert sa Araneta. Anyway, sa nakaraang concert nito sa Araneta ay nagkaroon daw ng matinding problema ang dalawa.
Nagkasagutan daw sila ayon sa tsismis na kumalat.

Pero kahit marami ang mga nagsasabi na kinakalaban na ni Vice si Boss Vic ay itinatanggi naman nito ang diumano’y pagsalungat at pagsuwag niya rito.

Sabi ni Vice, wala naman daw silang problema ni Boss Vic at ang gusto pa nga daw  nito ay magkaroon ng repeat ang kanyang concert sa Araneta this coming August kaya lang tumanggi na umano siya.

Ganun ba yun Vice?

oOo

SINO itong dating female dancer sa isang noontime show na kumalas sa kanyang mga ka-grupong dancers at nagsolo dahil gusto niyang makilala ng mga tao agad.

Medyo nakilala naman si Female dancer ng konti, kaya lang nang main-love itong siya sa isang lalaking negosyante ay pansamantalang nagpaalam muna ito na di na raw muna siya magsasayaw sa TV dahil mag-aaral muna siya.

Pero ang nakakaloka ay nagbabalik na sa showbiz ngayon itong si Female dancer dahil balitang hiniwalayan na siya ng kanyang lover na mayaman. Kaya ang ending ay balik na naman siya sa pagsu-show.

Kaya lang, kamakailan ay guest siya sa isang show sa isang Bar at sumuko at sumakit ang ulo ng producer ng show dahil grabe na raw ang attitude nito. Naturingang hindi pa naman siya sikat pero kung mag-demand ng kung ano-ano, akala mo’y sobrang sikat na ito.

Ang ending, imbyerna sa kanya ang produ ng show.

Isa pang tsika, gumimik daw itong si Female dancer kasama ang kanyang mga kaibigan sa isang bar at nakipag-away daw ito. Nakipag batuhan pa raw ng bote si Female dancer sa mga naka-away.

Grabe pala ang ugali nitong si Female dancer. Sino siya?

Pag nahulaan nyo, congratulations na lang sa inyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply