Climate change ituturo sa kolehiyo

ISASAMA sa mga subject ng lahat ng kurso sa kolehiyo ang usapin ng climate change.

Ito ay sa sandaling makalusot at maging ganap na batas ang Senate Bill 2885 o ang Climate Change Education Act of 2011 ni Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Paliwanag ng senador, importante umanong maging malawak ang kaalaman ng lahat kaugnay sa nakakaalarmang hamon at epekto ng pagbabago ng klima.

Base sa panukala, aatasan ang Commission on Higher Education (CHED) na bumuo ng three units subjects kaugnay sa climate change para pag-aralan sa kolehiyo.

Naniniwala si Marcos na ang pagpapaunawa sa mga kabataan ng climate change ay mabisang hakbang para maiwasan ang negatibong epekto nito sa kabuhayan ng tao.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply