‘Closure agreement’ lalagdaan na ni PNoy

LALAGDAAN na ni Pangulong Benigno Aquino III ang Philippine government at Cordillera Bodong Administration-Cordillera People’s Liberation Army (CBA-CPLA) “closure agreement” para sa pagbabalik-loob ng mga rebelde bukas, Hulyo 4.

Itutuloy ni Pangulong Aquino ang nasimulan ng kanyang ina na si dating Pangulong Corazon Aquino noong 1986 kaugnay sa negosasyon sa panig ng

CBA-CPLA sa pamamagitan ng paglagda ng cessation of hostilities.

Sakop ng lalagdaang kasunduan ay ang “demobilization, disarmament and reintegration” ng CPLA members.

Sa ilalim ng Memorandum of Agreement, isusulong ng gobyerno ang community development at livelihood projects sa 57 identified communities mula sa 23 bayan sa buong lalawigan ng Cordillera.

Sinasabing may nakahanda ring “one-time assistance” ang pamahalaan para sa mga magbabalik-loob na CPLA members.

Ang ibibigay naman na tulong ay livelihood projects at employment.

Sa kabilang dako, noon lamang nakaraang buwan ng Mayo, pinagtibay ng dalawang partido ang joint declaration para sa pagsusulong ng gobyerno at CBA-CPLA ng tunay na kapayapaan at pagbabago sa Cordillera.

Kabilang sa lumagda sa naturang kasunduan ay sina Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) Secretary Teresita Quintos-Deles, CPLA Chair Arsenio Humiding at CBA President Marcelina Bahatan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply