Coal Harbour at Prime Rate makikipagbanderahan sa Hopeful Stakes race

HANDA na ang 12 deklaradong kabayong mag-uunahan sa magaganap na 2011 PHILRACOM “Hopeful Stakes Race” na ilalarga sa Saddle & Clubs Leisure Park sa Naic, Cavite sa darating ng Sabado.

Dahil sa tumataginting na P600,000 top purse para sa unang kabayong tatawid ng meta ay sabik ng malaman ng mga karerista ang official line up ng nasabing prestihiyosong karera na inisponsoran ng Philippine Racing Commission.

“Magandang laban at dahil malaki rin ang premyo ay siguradong naghanda ng todo ang mga trainers para masungkit ang premyo.” wika ni Estaban Cordero, karera runner.

Ang mga dineklarang kalahok ay sina Prime Rate, Wonder Leb, Coal Harbour, Gandang Pinay, Tucker’s Diamond, Sir Ferdinand, Dimasalang, My Keys, Midnight Myth, Tony Pee, Top Connection at Thirdy Thirdy.

Inaasahang sina Prime Rate, Coal Harbour at Wonder Leb ay magdodomina sa daily double at exotic bets dahil sa kanilang magagandang trangko ayon sa mga karera tiyempistas.

May makakalap din na P225, 000 ang second placer habang P125,000 at P50,000 ang makakamit ng third at fourth placer ayon sa pagkakasunod.

Makatatanggap din ng P30,000 ang breeder ng winning horse ng nasabing event na may distansyang 2,000 meter race.

Samantala, kinabukasan ng Sabado, ilalarga naman ang 2011 Philracom 3rd Leg Triple Crown Stakes Race kung saan ay 14 naman ang nag deklara ng paglahok.

Sina Hari Ng Yambo at Magna Carta ang komopo ng 1st at second leg kung saan ay kasama sila sa mga kabayong nagsabi ng paglahok sa event na nakalaan ang P1.8M sa mananalong kabayo.

Ang ibang nagpahayag ng pagsali sa prestihiyong karera para sa mga batang kabayo ay sina The Rock, Smart Guru, Arvin Dugo, Just For Keeps, Tensile Strenght, Cheese Mosa, Barkley, Lord Of War, Maker’s Mark, Finest Material, High Voltage at Constatic.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply