Enrile: Coco levy funds ipamahagi sa magsasaka

HINILING ni Senate President Juan Ponce Enrile sa administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III na agad pag-aralan ang desisyon ng Korte Suprema hinggil sa coconut levy funds at ipamahagi kaagad sa mga magsasakang benipisaryo ang pondo dahil patuloy na nalulugi ang Coconut Industry Investment Funds (CIIF).

Sa kanyang unang talumpati sa pagbubukas ng ikalawang sesyon ng 15th Congress, sinabi ni Enrile na dapat magkaroon ng political will ang administrasyong Aquino na agad na kumilos sa naging desisyon ng Korte Suprema na nasabing usapin.

“I wish that this government will have the political will to distribute the coco funds to coconut farmers and declare the Coconut Industry Investments Funds and the coco levy funds as public funds, and earmark it for the benefit of the coconut farmers,” aniya.

Sinabi rin ni Enrile sa kanyang pagsasalita na dapat kumilos din ang Kongreso sa iba pang panukalang batas na tutugon sa mahahalagang isyung pang-ekonomiya, panglipunan at pampulitika na kinahaharap ngayon ng ating bansa.

Ilan sa panukalang ito ang madaliang pagsasabatas ng People’s Survival Funds Bill, na naglalayong maprotektahan ang lokal na komunidad sa masamang dulot ng climate change.

Ayon pa kay Enrile, nagsilbing “wake-up call” ang naganap na gitgitan ng China at Pilipinas ukol sa Spratly Islands na kahit dapat maresolbahan ang isyu sa pamamagitan ng diplomatikong pamamaraan, ay naipakita ang kakapusan ng bansa sa usapin ng materyales at kagamitang militar.

“We have no decent military might to speak of, not even to defend our own territory.  This sad state of affairs must also be addressed immediately,” aniya.

Tiniyak din ni Enrile na hindi babalikwas ang Senado upang ilantad ang lahat ng iregularidad sa pamahalaan tulad ng multi-bilyon-pisong anomalya sa usaping pananalapi ng ilang institusyon, partikular ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

“There may be more of these irregularities and the Senate will not back down from unveiling them.  The human propensity to abuse power and, to some extent, acquire illegal wealth, remains a challenge for us lawmakers.  Thus, we shall endeavor to craft legislations that will address and correct what is wrong in the bureaucracy,” aniya.

 

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply