Coconut authority nakatipid ng P20M sa paggamit ng lokal na asin

MALAKI ang natipid ng Philippine Coconut Authority (PCA) sa paggamit ng lokal na asin para sa kanilang fertilization project na umabot din ng P20 milyon.

Ito ang inanunsiyo ni Administrator Euclides G. Forbes na ang kanilang pagkuha sa local salt producers ng  San Jose, Occidental Mindoro ay malaking katipiran sa kanilang proyekto

Dagdag pa ni  Administrator Forbes kaya umanong suplayan ng kanilang mabibilng asin na 316,000 bags kada taon at ma fertilize nito  ang may 79,000 ektaryang taniman ng niyog na may mahigit sa 7 M mga puno nito upang maitaas ang pagbaba ng produksiyon ng niyugan sa bansa.

Aniya  ang paggamit nila ng local na asin ay mapapalakas din ang salt industry sa probinsiya ng Occidental Mindoro  na isa sa  major salt producer at ang kikitain aniya ay gagamitin sa pagbili ng  “peat: bilang karagdagang  fertilizer sa  coconut.

Ayon pa kay Forbes maliban aniya sa pagbili ng asin ang  backyard production aniya ng asin sa mga piling lugar sa rehiyon ay resulta ng pagsasanay sa salt production na isinagawa ng PCA na gagamitn naman sa proyekto.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply