Coffee mill inararo ng trak, 3 patay

TATLO ang patay makaraang sumalpok ang trailer truck sa sa isang coffee mill sa Silang, Cavite madaling-araw ng Huwebes, Hulyo 7.

Ayon kay Silang police head Superintendent Simnar Gran, rumaragasa ang trailer truck nang bumangga ito sa sa isang coffee mill sa Brgy. Biga bandang 12 ng gabi.

“Isang trailer truck na naglalaman ng bakal ang, di natin malaman kung nawalan ng preno, ang bumangga sa pagawaan ng kape mga 12 ng gabi. At na-identify ang driver na isa sa mga napatay pati ang helper po,” ayon sa panayam kay Gran sa dzBB.

Ayon kay Gran, nasawi ang caretaker ng naturang coffee mill na nakilala sa pangalang Franklin makaraan ang pagsalpok ng trak sa Aguinaldo Highway kung saan nadamay pati ang dalawang poste ng Manila Electric Co. (Meralco) .

Kasalukuyan namang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawa pang nasawi.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply