Huwag husgahan agad si Mariano – Honasan

BAGAMA’T ikinagulat ni Sen. Gringo Honasan ang mga pahayag ni Marine Col. Generoso Mariano na umano’y nag-uudyok para mag-alsa laban sa pamahalaan, nanawagan ang mababatas na huwag agad husgahan ang opisyal ng militar.

Dagdag pa ni Honasan, hintayin na lang ang resulta ng imbestigasyon ng Philippine Navy, na siyang mas mataas na organisasyon ng Philippine Marines na pinagsisilbihan ni Mariano.

Dagdag pa ng senador, hindi napapanahon ang panawagan ni Mariano dahil sa nakikita naman sa administrasyon ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III ang pagsusumikap na maalis ang mga tiwaling opisyal at empleyado ng gobyerno at patuloy na hinihanapan ng solusyon ang mga problema ng bayan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply