Compostela Cebu (II)

ANG pagkakasuspinde ng papel ng sangguniang bayan (SB) ng Compostela, Cebu bunga na nga ng Comelec resolution “suspending the effects of the proclamation”  ng nagwaging alkalde, bise alkalde at mga munisipal na kagawad ay karagdagang isyung ligal na nagpapasakit ng ulo ng mga mamamayan ng nabanggit na bayan.

Ang sanggunian ay ang lehislatura ng isang LGU.

Yan ang may “power of the purse” kaugnay ng pang-araw-araw na pagpapatakbo ng lokal na pamahalaan.

Walang pwedeng i-disburse o gagastusin na pera ang LGU – kahit na ito’y kaugnay ng delivery of basic/social services sa mga residente nito –  hangga’t walang kaukulang  resolusyon/ordinansa ang sangguniang bayan na nag-ootorisa sa nasabing disbursement.

Ang sanggunian din ang nag-aapruba ng executive budget for a given fiscal year  na isinusumite ng ehekutibo lokal. At ito ang mga buwan ng pag-aapruba ng annual budget ng mga LGU.

Ngayong walang sangguniang bayan na nagpa-function sa Compostela, nagtatanong na ang mga mamamayan ng bayang ito kung hindi ba raw nararapat na magtalaga na rin ng Officer in Charge sa SB members dito?

Ayon sa batas (Republic Act No. 7160), ang may kapangyarihang magtalaga ng sangguniang bayan member, regular man o OIC, ay ang gobernador ng lalawigan.

Bagama’t determinado, at nangako ang pamahalaang probinsiyal ng Cebu na mag-alay ng anomang tulong sa
Compostela, sa kapakanan ng mga residente nito, isa itong pansamantala o ‘cosmetic’  na lunas lamang, na hindi kailanman maituturing na solusyon sa mas mabibigat na mga isyung ligal na bumabalot sa bayang ito, kaugnay ng kasalukuyang umiiral na “power impasse” dyan.

Ang itinalagang  OIC-Mayor na si Director Noval ng Department of the Interior and Local Government – Region 7 ay may malawak ding tungkulin at responsibilidad  na dapat na gampanan.

Dapat lagi rin siyang “on top of the situation,” ika nga, sa sari-saring suliranin na idinudulog din sa kanyang tanggapan araw-araw. (Itutuloy)


loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply