Concert ni Rihanna nagkasunog sa stage

PINAGPASYAHAN ng mga organizers na putulin at paiksiin ang konsiyerto ni Rihanna sa American Airlines Center sa Dallas, Texas matapos magliyab ang isang parte ng stage.

Papatapos na umano ang kantang “California King Bed” ng singer na biglang mag-apoy ang isang lighting truss sa bandang itaas ng stage. Kaagad namang naapula ang apoy subalit tuluyan ng kinansela ang concert.

Pinalabas naman umano ang umaabot na 12,500 katao na manonood sa lugar at walang sinumang nasaktan at nasugatan.

Nauna rito ay nahuli ng halos isang oras si Rihanna sa naturang concert dahil sa pagkaka-delay ng kanyang flight mula New York hanggang Dallas.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply