Conchita Carpio-Morales bagong Ombudsman

PORMAL na itinalaga na ni Pangulong Benigno Aquino III si retired Supreme Court Associate Justice Conchita Carpio-Morales bilang bagong Ombudsman.

Sa kanyang ikalawang state of the nation address (SONA) ay may pagbubunyi na na ipankilala ni Pangulong Aquino si Conchita-Morales bilang bagong Ombudsman upang tulungan ang gobyerno sa paghahabol sa mga kaso ng katiwalian.

“Pagpasok ng bagong Ombudsman na si dating Supreme Court Justice Conchita Carpio-Morales, magkakaroon tayo ng tanod-bayan na hindi magiging tanod-bayad ng mga nagwawang-wang sa pamahalaan. Inaasahan ko nga po na sa taon na ito, masasampahan na ng kaso ang lahat ng nagkuntsabahan sa katiwalian, at naging sanhi ng situwasyong ating inabutan,” bahagi ng talumpati ng Pangulo.

Matatandaang si Morales ang nanguna sa inaugural oath noon ni Pangulong Aquino.

Si Conchita Carpio-Morales ay ipinanganak noong Hunyo 19, 1941 sa bayan ng Paoay, Ilocos Norte.

Nagtapos siya Bachelor’s degree in Economics sa University of the Philippines noong 1964 at 1968 ng makuha nito ang kaniyang Bachelor of Laws sa UP-College of Law.

Mula 1971 hanggang 1983, nanungkulan siya sa Department of Justice bilang assistant, lawyer, researcher, assistant special lawyer at senior state counsel.

Si dating Pangulong Ferdinand Marcos ang nagtalaga sa kanya bilang opisyal na trial court judge ng Pili, Camarines Sur.

Noong Nobyenbre 4, 1986, napili naman ito ni dating Pangulong Corazon Aquino bilang trial court judge ng Pasay City.

Sa panahon naman ng panunungkulan ni dating Pangulong Fidel Ramos, na-appoint siya bilang isa sa mga mahistrado ng Court of Appeals.

Setyembre 3, 2002, sa isang unanimous endorsement mula sa mga miyembro ng Judicial and Bar Council (JBC), si Carpio-Morales ang hinirang na Associate Justice ng Korte Suprema.

Bukod kay Morales, kabilang sa pinagpilian para sa pagka-Ombudsman ay sina dating justice secretary Artemio Tuquero, Justice Usec. Leah Armamento at Presidential Commission on Good Government Commissioner Gerard Mosquera.

Si Morales na ang papalit sa nagbitiw na dating Ombudsman Merceditas Gutierrez.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply