Conditional cash transfer mauuwi lang sa wala

SAAN hahantong ang pamimigay ng limos ng pamahalaan sa anyo ng Conditional Cash Transfer?

Totoo na may epekto laban sa gutom ang CCT at totoong marami ang nakikinabang dito, pero hanggang kailan ang ginhawang dulot nito?

Ito ba’y hanggang limang taon lang at maaaring ganap nang maglaho makaraan ang administrasyong Aquino?

Kaya naman maituturing itong isang band aid lang sa malala at nabubulok na sugat ni Juan sa kawalan ng trabaho, mababang pasahod, kawalan ng permanenteng trabaho at mataas na presyo ng mga bilihin?

oOo

Ngunit ang katanungan kung saan hahantong ang CCT ay hindi lang nauugnay sa mga problema sa pamimigay-limos sa maigsing panahon lamang.

Dumarami ang reklamong binababoy ito ng mga pulitiko, kasama na ang mga taga-Malakanyang na tiyak na  sasakay sa programa para makatiyak ng panalo sa halalang 2013.

Kitang-kita ito sa suliranin kung sino talaga ang dapat na mamili ng mga benepisyaryo, kung ang mga pulitiko o taga-Department of Social Welfare and Development o taga-National Statistics Office.

Sa ngayon kasi, Suki, ay hindi mapahihindian ng mga tao ni Inday Dinky ang mga rekomendadong benepisyaryo nina meyor at iba pang pulitiko…at lumalabas na mga suporter at kamag-anak ng mga pulitiko ang marami sa mga benepisyaryo.

oOo

Pero may natatanging problema at kaugnay ito ng paggasta ng gobyerno ng bilyon-bilyong pisong CCT nang walang nakikitang pag-unlad ng bansa.

Kung magagamit lamang sana ang mahigit P21B para sa imprastraktura o produktibo na proyekto na maaaring salihan ng mga benepisyaryo, hindi lang gutom ang mapapawi kundi pati ang kahirapang kakambal nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply