Conejos kakanta sa Senado

DADALO sa Senado si Foreign Affairs Undersecretary Esteban Conejos, Jr. upang ihayag ang kanyang nalalaman tungkol sa pondo na umano’y tinanggap ng kagawaran mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Bahagi lamang ang perang ito sa kinukuwestiyong malaking pagkakautang na iniwan ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa PCSO.

Ayon kay Conejos, ang perang tinanggap ng DFA ay ginamit bilang “blood money” para sa mga pamilya ng pinaslang na Pinoy na sina Reno Lumbang, Jeremias Bucud at Dante Rivero noong 2006.

Ayon sa opisyal, pinag-usapan nila ni PCSO Vice Chair  Rosario Uriarte noong Mayo 2010  ang “mode of payment” at paano idi-deliver ang pera sa recipient nito.

Pahayag niya, nasa tatlong tseke ang salaping galing sa PCSO na naglalaman ng tig-P4,995,000.

Sinabi ni Conejos na wala siyang tinananggap na P20 milyon.  Aniya ang PCSO ang nagbigay ng tseke sa pamilya ng mga pinaslang na Pinoy OFWs.

Noong 2006, napatay ang tatlong Pinoy at tinadtad ang kanilang katawan ng kapwa Pinoy na sina Edison Gonzales, ang kapatid niyang si Rolando at isang Eduardo Arcilla.  Sila ay hinatulan ng kamatayan sa kasong murder.

Sa ilalim ng batas ng Islam, maaaring mamili ang pamilya ng biktima sa “blood money” o di kaya’y isakatuparan ang inihatol na bitay.

Pawang tubong Pampanga ang mga hinatulan ng bitay na tinutulungan ni Roman Catholic Archbishop Paciano Aniceto ng nasabing lalawigan na siya ring nakipagnegosasyon upang maibaba ang orihinal na P50 milyon na hinihingi ng pamilya ng mga biktima.

Ayon kay Conejos, wala siyang tinanggap na anumang salapi upang mabayaran ang pamilya ng mga biktima.

“Ang trabaho ko ay upang mabigyan ng solusyong legal ang kaso ng ating mga kababayan sa ibang bansa na nagkataong ang pondo na pang-blood money ay galing sa pondo ng ating gobyerno.

Dinala aniya ng PCSO ang pera sa pamilya ng mga biktima. Ito rin ang ulat na ibinigay ni Conejos kay Arroyo na kababayan ng tatlong convicted Pinoy. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply