Conejos, ‘Pajero 7’ gigisahin sa Senado

NAKATAKDANG gisahin ng makapangyarihang Senate Blue Ribbon Committee si Foreign Affairs Undersecretary for migrant workers Esteban B. Conejos Jr., at ang tinaguriang “Pajero 7” kaugnay sa pagtanggap ng pondo at mamamahaling sasakyan mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ayon kay Sen. Teofisto Guingona III, ipinalabas na ang imbitasyon kina Conejos Jr., opisyal ng Department of Foreign Affairs na tumanggap ng P20- milyon blood money sa PCSO para sa mga nabiktima ng ilang overseas Filipino worker sa Saudi Arabia.

Pinatatawag din sina Bishop Rodolfo F. Beltran, DD, Apostolic Vicariate Bontoc-Lagawe; Bishop Leopoldo C. Juacian, SVD, DD,  Diocese of Bangued, Abra;  Most Rev. Martin S.Jumoad, DD, Roman Catholic Prelate of Isabela, Basilan; Bishop Juan de Dios M. Pueblos, Diocese of Butuan; Archbishop Orlando B. Quevedo OMI, Archdiocese of Cotabato;  Most Rev. Ernesto A. Salgado, DD, Archbishop of Nueva Segovia, Caritas Nueva Segovia; at Archbishop Romulo G. Valles, DD; Zamboanga Archdiocesan Social Action Apostolate kaugnay naman sa pagtanggap ng mga mamahaling sports utility vehicle (SUV) mula sa PCSO noong panahon ni dating Pangulo at ngayon ay Pampangan Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Naimbitahan din ng komite si Commission on Audit Commissioner Heidi L. Mendoza upang pagpaliwanagin sa isinagawang pagsusuri ng nakaraang admnistrasyon ni dating COA chairman Antonio Villar sa request na intelligence funds sa PCSO.

Hindi naman maintindihan ng media kung bakit ipinatawag sina Director Jose Rocha ng Corp. Gov’t Sector- Cluster C ng Gabinete at Atty. Fidela M. Tan, Supervising Auditor for Home Development Mutual Fund, Cluster A.

Sa hanay ng kasalukuyang administrasyon ng PCSO, dadalo muli sina Chairman Margarita Juico, general manager Jose Ferdinand Rojas II, at sina board member, Betty Nantes, Maria Aleta Tolentino, Mabel Mamba, Franciso Joaquin III, Atty. Eduardo Araullo (Board Secretary) at advertising officer na sina Ludovico Yuseco at Alexander Quisumbing.

Ipinatawag din ni Guingona ang mga dating opisyal ng PCSO sa panahon ni dating Pangulong Arroyo na sina dating chairman Sergio Valencia, ex-general manager Rosario Uriarte, dating board member na sina Manuel Morato, Maria Fatima Valdes, Jose Taruc at
Raymundo Roquero.

Pagpapaliwanagin din ng komite si dating PCSO advertising and promotions manager Manuel Garcia hinggil sa paratang na tumatanggap ito ng 40 porsiyento ng kabuuang halaga ng advertisement na ipinalalabas ng ahensiya.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply