Confirmed!: Juday walang balak lumipat sa TV5

DURING shootings, mahigpit palang ipinatutupad nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ang DOLE rules na 4-hour-work lang talaga.

“Four hours lang po talaga ang working hours ng mga bata. There’s also pediatrician in the set, para bantayan din ‘yung mga bata. And kung kami, wala kaming problema sa oras, siyempre, ibang usapan na kapag may kasamang bata. ‘Sinasabi na namin na ‘pasensiya na po, talagang hindi na namin mae-extend ang oras kasi baka naman magkasakit ‘yung mga bata’. So, bilang magulang, ‘yun talaga ang magiging role namin. Na kami na lang ang masama sa paningin n’yo, huwag n’yo lang pagurin ‘yung mga bata,”  deklara ng aktres.

Nagsimulang child star si Juday at say nga niya, wala pa raw DOLE noon kaya walang rules na 4 working hours lang.

“Sabi ko nga, bakit walang DOLE noong araw? Siguro, kaya ganyan din kami ka-ano ni Rye (Ryan) sa mga ganyan, kasi alam ko rin kung ano ‘yung hirap kapag bata ka tapos kapag puyat na puyat ka, tapos, kinabukasan, kailangan mo pang may gawin ulit, ‘yung nawawalan ka na talaga ng childhood basically dahil ‘yun lang nang ‘yun ang ginagawa mo.”

Gaano katotoo na lilipat na talaga siya sa TV5 dahil hindi mamatay-matay ang nasabing tsismis eversince.

“Ako, may tsismis? Ow? Talaga? Wow!” gulat na sabi ng aktres.

“Ang in-demand ko naman,” natatawa pa niyang say. “Wala, wala pa namang nagtatanong, ewan ko lang kay tito Alfie, pero sa akin po ngayon, mayroon pa akong existing contract with ABS-CBN, and I’m doing a show with them, hindi ko pa po alam kung hanggang kailan matatapos ang contract ko sa kanila,” paglilinaw niya.

Hanggang September na lang daw?

“Hindi ko talaga alam kung kelan pero sa ngayon, maganda naman ang relation ko with ABS-CBN, though, siyempre, hindi naman maiwasan na minsan, may nagaganap na pagtatampo, may nagaganap na misunderstanding, wala namang hindi nadadala sa magandang usapan, pero, kung anu’t anuman ang mangyari, lahat ito ay trabaho.”

Hindi ba siya kinukumbinsi ni Ryan na taga-TV5?

“Alam mo, hindi, in fairness sa aming mag-asawa, kahit mag-asawa kami, hindi namin pinag-uusapan ‘yung trabaho pagdating sa bahay not unless kailangan namin ang opinyon ng bawat isa pagdating sa pipirmahang kontrata o pagdating sa paggawa ng desisyon. Pero hangga’t maaari, hindi ako nakikisali sa ginagawa niyang trabaho kasi trabaho niya ‘yun, ganun din siya sa akin. Parang feeling ko, isang rason din ‘yun kung bakit hindi kami nagkakaroon ng mga issue-issue pagdating sa bahay kasi nagkakilala naman kami may mga sari-sarili na kaming trabaho to begin with, eh. So, wala na kaming pakialaman sa trabaho as long as hindi nagkakaroon ng ano sa trabaho namin,” pahayag pa ni Juday.

***

HINDI pa masabi ni Gov. Jorge ER Ejercito Estregan kung magkakaroon ng cameo role o appearance ang uncle niyang si dating Presidente Joseph Estrada sa “Asiong Salonga.”

“Kinukumbinsi ko pa..nasa script e. Parang ninong ko siya sa story. Every Sunday nagkikita kami e. Hindi naman ako magiging Mayor kung hindi dahil sa kanya. Hindi ako magiging artista kung hindi dahil sa kanya. Hindi ako magiging governor kung hindi dahil sa kanya.”

Maging si Senator Bong Revilla ay may special appearance sana din sa movie na ito, pero may kaunting problema nga lang sa estado nito bilang senador.

“Kasi yung character niya dito hoodlum. Eh, Senador siya. Gagawin ko sana siyang Mayor ng Muntinlupa Jail. Eh, hindi nauukol sa image niya e!”
sey pa ng kapapanalong Darling of The Press ng Star Awards.

Komo nga hoodlum story itong pelikula, hindi kaya rin makaapekto sa kanyang image bilang leader sa Laguna?

“Eh, dati na akong demonyo sa mga ginagawa kong pelikula. Pero naging Mayor ako, naging Governor. Alam naman nang mga tao na trabaho lang ito.  Sa tunay na buhay, anghel de la guwardiya naman talaga ako.

“Dati akong sacristan for eight years. I’m proud of Opus Dei, it’s a Catholic organization.” Sey niya.

Planong isama ni Gov. ER ang mga anak niyang lalake sa pelikula niya para lang magkaroon ng feel ang mga ito sa pagiging isa niyang aktor.

Hinahanapan pa lang niya ng eksena kung saan nababagay ang mga ito. Biro nga niya baka sa isang night club o wedding scene niya ilagay ang mga ito.

Ibinalita ni Gov. ER na wala siyang kissing scene kay Carla Abellana pero meron siya kay Valerie Concepcion. Ipinaliwanag niyang sa lahat ng mga babae sa buhay ni Asiong Salonga, si Valerie ang pinakamahal niya.

Talbog!

***

NGAYONG Sabado ng gabi, haharap sa taong bayan ang anak ni Senator Juan Ponce Enrile, na si Katrina Ponce Enrile-Kocher.  Ikukuwento ni Katrina ang buong istorya ng kanyang buhay sa “The Bottomline” with Boy Abunda.

Sa murang edad pa lang, namulat na si Katrina sa mundo ng pulitika, kung saan nakilalang Marcos ally ang kanyang ama. Hindi na bago sa kanya ang mga kalakaran at adjustments ng kanilang pamilya sa pressures ng pulitika. Ibabahagi rin ni Katrina ang mapait na karanasang muntik ng pagkakakidnap sa kanya.

Sa kabila ng high profile job ng kanyang ama, pinilit pa ring mamuhay ni Katrina ng normal. Isa sa mga pinagkakaabalahan niya  ay ang pagkakahilig sa make-up, pagsasayaw at ang pagkaroon ng sariling clothing line na “Options” na tumagal ng halos isang dekada. Tatalakayin din maging ang kanyang leadership style bilang chief executive officer ng JAKA Group of Companies.

Gaano nga ba kahirap ang maging anak ng isang prominenteng senador? Paano niya mailalarawan ang kanyang naging buhay pag-ibig? Ano ang pinaka-malaking misconception sa kanya ng tao? At ano ang pinakamatinding insulto na natanggap niya mula sa ibang tao?

Alamin ang mga kasagutan sa The Bottomline with Boy Abunda ngayong Sabado pagkatapos ng “Banana Split” primetime sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log lamang sa www.abs-cbn.com o sundan sa Twitter sa abscbn.com

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply