Construction worker todas sa tiyuhin

TODAS ang isang construction worker matapos pagsasaksakin ng sarili nitong tiyuhin sa isang birthday party ng magkaroon ng mainitang pagtatalo Linggo ng gabi, Hulyo 3, sa  Apitong st., Phase 6, Barangay 178, Caloocan City.

Dead on arrival sa Jose Rodriguez Memorial Hospital si Michael Garcia, alyas “Mike,” 29, residente ng Green Valley st., Purok 2, Barangay 178, Camarin ng nasabing lungsod sanhi ng tinamo nitong dalawang malalim na saksak sa dibdib.

Ang salarin na kusang sumuko sa mga awtoridad ay nakilalang si Arnel Rollo, 41, tiyuhin ng biktima at residente rin sa nasabing lugar.

Batay sa pinagsanib na imbistigasyon nina P02 Norberto Naag, at P02 Ernie Mactal ng Station Investigation Detection Management Branch (SIDMB) ng Caloocan Police, ganap na alas-7:30 ng gabi ng maganap ang insidnete sa nasabing barangay.

Ayon sa ulat , matapos na magsumbong si Angelito sa kanyang kuyang  si Michael hingil sa kanilang  pagtatalo, agad  bumalik ang biktima sa bahay para komprontahin  ang suspek na humantong sa sigawan at murahan

Hanggang sa biglang nagbunot ng patalim ang tiyuhin at dalawang saksak ang itinarak sa dibdib ng biktima na nagresulta sa pagkatumba nito sa semento.

Mabilis na isinugod ang duguang biktima sa nasabing pagamutan subalit hindi na umabot na buhay habang ang suspek ay kusa namang sumuko sa may kapangyarihan. Roger Panizal

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply