Consumers group magbabantay na rin sa gobyerno

HINDI lamang nakatuon sa galaw ng langis ang babantayan ng Consumer and Oil Price Watch Chairman (COPW) kundi pati ang bawat hakbang ng gobyerno.

Ayon  kay COPW chairman Raul Concepcion, dahil nilawakan na ng grupo ang gawain ay makikilala na ito bilang “Government Watch.”

Ayon kay Concepcion, mas dapat bantayan ang gobyerno dahil sa lahat ay saklaw nito, kabilang na ang paggalaw ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Tumanggi itong magbigay ng grado sa performance ng administrasyong Aquino sa unang taon ng panunungkula, ngunit sinabi nito na 50 porsyento lang ang mabibigay na rating nito sa competence ni Pangulong Benigno Aquino III.

Matapos magbigay ng anniversary speech ang Pangulo, nagkomento ito at sinabing napakagaling magsalita ni Aquino at mabuti ring hindi nito nilagyan ng pulitika ang kanyang speech.

Puro mga “achievements” ng gobyerno ang siyang binida nito at binigyan nito ng emphasis ang pangangailangan sa sektor ng edukasyon.

Bukod dito, hindi pa ngayon ang tamang panahon upang graduhan ang Pangulo. Mas akma aniya na sa susunod ng quarter na lamang ito bigyan ng grado dahil masyado pang maikli ang isang taon. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply