Cory Aquino Day gugunitain bukas

GUGUNITAIN bukas ang second death anniversary ni dating Pangulong Cory Aquino sa Maynila kasunod nang paglagda ni Manila Mayor Alfredo Lim sa proklamasyon na nagdedeklara bilang “Corazon C. Aquino Day” ang Agosto 1.

Pangungunahan ng alkalde ang  naturang okasyon kung saan dadaluhan din ng mga city officials, empleado at mga estudyante ang wreath-laying ceremony at programa na gagawin sa Ninoy-Cory Aquino Park sa Burgos Street at Bonifacio Drive sa Ermita, Maynila, alas 8 ng umaga.

Nakatayo rin sa lugar ang monumento ng mag-asawang dating Pangulo at Senator Ninoy Aquino, kasama ni dating Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin.

Kaugnany nito, nanawagan naman si Lim sa mamamayan ng Maynila na ipagdiwang ang okasyon sa pamamagitan ng iba’t ibang programa.

Nilinaw naman  ni chief of staff at media bureau chief Ric de Guzman, na ang mga paaralan at mga pribadong opisina ay mananatiling may pasok dahil hindi ito ikokunsiderang holiday.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply