Cotabato City talamak ang kriminalidad

BUNGA ng paglaganap ng kriminalidad hiniling ng Cotabato City Police Office sa pamunuan ng Philippine National Police sa Camp Crame na payagan na ang pagtalaga ng karagdagang pulis sa Koronadal, Cotobato City.

Ayon kay City Police Director Supt. Roberto Badian, ang kahilingan ay bunsod ng nagpapatuloy na problema ng drug trafficking, kidnapping, at “guns-for-hire” sa lungsod.

Paliwanag ni Badian, mayroon lamang 264 katao ang kanilang puwersa na magbabantay sa mahigit 500,000 na residente ng lungsod o isang pulis sa bawat 1,900 na residente.

Karamihan sa mga pulis doon ay armado lamang ng 9 pistol habang nagbabantay sa 37 barangay ng lungsod.

Sa isang pagpupulong noong Miyerkules nagpasa ng resolusyon ang City Peace and Order Council na humihiling sa PNP ng karagdagang puwersa upang maayos na maprotektahan ang mga mamamayan at ng Cotabato City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply