Cotto-Margarito II lumalabo

LUMALABO na umano ang Dec. 3 rematch sa pagitan nina WBA junior middleweight champion Miguel Cotto ng Puerto Rico at ex-titlist Antonio Margarito ng Mexico.

Subalit nilinaw ni Top Rank Promotions CEO Bob Arum na positibong magaganap ito sa nasabing petsa.

Ang sinabi lang ni Arum ay hindi pa tiyak kung saan ito gaganapin. Sinasabing may maganda umano kung sa Madision Square Garden ito sa New York idaraos.

Sina Cotto at Margarito ay kapwa biktima ni Manny Pacquiao.

Ayon sa ulat, may gusto ni Arum na sa New York ito idaos ngunit hindi pa naisasapinal ito dahil pumapasok din umano ang MGM Grand management sa Las Vegas.

Ang laban ng dalawa ay maituturing na return bout na ng 2008 clash nila kung saan si Margarito (38-7, 27 knockouts) ay naghatid ng unang talo ni Cotto (36-2, 29KOs) sa kanyang professional career sa pamamagitan ng 11th-round stoppage sa MGM Grand.

“It looks like New York, but Las Vegas still is in the running,” pahayag ni Arum. “New York is in the lead right it’s not done yet.”

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply