Dagdag na buwis sa toll fee di pa napapanahon

IGINIIT ni Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr., na hindi pa napapanahon para magpataw ng panibagong buwis sa toll fee.

Ani Revilla, ang patuloy na pagtaas ng halaga ng pangunahing bilihin bukod pa sa walang humpay na pagtaas ng halaga ng produktong petrolyo ay masyado ng bugbog ang mga Filipino.

“Hindi ito ang tamang panahon para magpataw na naman ng panibagong bagong buwis. Napakalaki ng magiging epekto nito sa gastusin ng ating mga kababayan at sa presyo ng mga bilihin,” diin ni Revilla.

Ang reaksyon ng senador ay makaraang ihayag ng Korte Suprema na maaari ng patawan ng VAT ang mga toll fee.

Aniya, hindi naman ibig sabihin nito na dapat na agarang ipatupad at kolektahin ito ng pamahalaan.

Ayon kay Revilla, kailangan munag gumawa ng hakbang na magbibigay ng benepisyo at hindi dagdag na pabigat sa taumbayan.

“We should implement measures that would benefit the people and not to add burden to them, ” giit ni Revilla.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply