Dagdag na pondo ng CCT haharangin

DADAAN sa butas ng karayom ang kahilingan ng administrasyong Aquino na dagdagan ang pondong inilaan sa Conditional Cash transfer (CCT) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa isinumiteng 2012 proposed national budget ng administrasyong Aquino sa Kamara, nakasaad dito na itaas ng hanggang P34 bilyon ang alokasyon sa CCT mula sa kasalukuyang P23 bilyon.

Iginiit ni Asst. Minority Leader Mitos Magsaysay na makabubuting magpakita muna ng komprehensibong report ang DSWD na epektibo ang programa o ang distribusyon ng CCT.

Sinabi pa nito na kaduda-duda ang dagdag na alokasyon sa CCT gayung walang malinaw na report ukol sa mga benipisyaryo na tumanggap ntio.

Kinumprima din ni Budget Secretary Florencio Abad na may mga “discripancies” sa listahan ng mga tumanggap ng CCT.

Nais ding pagpaliwanagin ng oposisyon ang administrasyon kung anong ahensya ang tinapyasan ng pondo para madagdagan ang pondo ng CCT.

Nagpahayag naman ng pangamba si Gabriela Rep. Emmie de Jesus na dumami ang manghihingi ng limos o aasa sa CCT dahil sa planong pagpapalawak sa saklaw sa proyekto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply