Dahil kay Nora:Mga beteranong manunulat, manghuhula nasira ang kredibilidad

NATATAWA na lang ang karamihan sa mga beteranong manunulat na tinubuan na ng ugat sa pagsusulat dahil sa ilang beses nang pagkakatigok ng kanilang kredibilidad dahil sa pabagu-bagong desisyon ni Nora Aunor.

Meron ngang isang veteran writer d’yan na akala niya naka-scoop siya sa pag-uwi ni Nora kaya nagpadagdag raw ng pay sa kanyang artikulo pero ang ending, wala namang balugang dumating ngayon. Hahaha!

May isang manghuhulang malaking mama ang natigbak din ang credibility at kamuntik nang basagin ang kanyang bolang kristal dahil pumalpak ito. Hehehe!

Maging ang bestfriend ni Ate Guy na si German Moreno, sumasakit na ang ulo sa kapapaliwanag sa mga fan kung bakit parating nauudlot ang kanilang idolo sa pagbabalik sa Pilipinas.

Kaya sumumpa na ito na hindi na siya magsasalita pa sa parating pag-I shall return ni Bulilit dahil hindi naman ito naututupad. Kapag nakita na raw nating nakaapak na ito sa bansang kanyang sinilangan doon na tayo maniwalang nandito na nga siya.

Sabi naman ng mga gurangis ng mga movie scribes na nakapanabayan ni Aunor sa kanyang kasikatan noong araw, ganyan na raw talaga ang gimik ng Superstar, hindi na raw dapat pagtakhan.
Kumbaga sa adik, trip lang ‘yan! Hahaha!

Well, ang huling tsika, sa katapusan na ng September ang uwi nito. Hindi lang natin alam kung anong taon. Giatay!

***

Bakit daw pumipikit si Shalani Soledad kapag nagho-host?

ILANG text messages ang natanggap namin mula sa ating avid readers ang nagtatanong kung bakit daw panay ang pagpikit-pikit ni Shalani Soledad sa tuwing magsasalita ito sa Wil Time, Big Time.

Nagpapa-cute raw ba ang host partner na ‘to ni Willie Revillame o may allergy sa mata?

Dahil sa mga tanong na ‘yan ay minabuti naming silipin ang naturang programa. Madalian lang ang ginawa naming pagsilip dahil nakatutok kami sa TV Patrol World ng ABS-CBN.

Tamang-tama namang si Shalani na ang nakasalang. Aba, totoo nga, pipikit-pikit pala talaga ang magandang teevee host habang nagde-deliver ng kanyang spells. Pero ang gandang tingnan ng kanyang mata sa tuwing ipipikit niya ang mga ito dahil para siyang si Barbie Doll, I mean, nanay ni Barbie. Hehehe!

Hindi lang namin malaman kung ang pagtiklop ng kanyang mga mata ay bunga ba ng isang sakit, mannerism or whatever, kasi medyo kinakapos siya ng hangin kapag binabasa niya ng mabilis ang idiot board.

Pero ayon naman sa pamosong twins na sina Pete and Peter (Hehehe!), na rating nakasama ni Ms. Soledad sa UNTV37, ganyan na raw talaga ang huli, ugali na niya ‘yon.

Iyon nga lamang, sa tingin namin ay para talaga siyang robot na salita nang salita at pikit nang pikit ang mga mata pero wala namang buhay ang mukha. Hitsurang pinindot lang ‘yung button para ibuka niya ang kanyang bibig at magsalita.

Meaning, kulang pa rin sa buhay ang kanyang way of hosting. Sa kabila ng malaking talent fee at haba ng pagtatrabaho niya sa nasabing programa, no improvement at all.

***

Amanda Coling, tumiklop sa fans ng Azkals

MALI ang script, wrong-timing at wala sa ayos ang paglabas at pagharap ni Amanda Coling sa media kaya imbes na makakuha ng simpatya sa madlang pipol, pambubuska at pang-aalipusta ang natanggap niya.

Hindi naman natin sinasabing gimik lang ang nangyari sa kanya dahil wala naman tayo sa lugar kung saan na-churva s’ya ng apat na askad, este, Azkals. Ang sa atin lang, ilagay niya sa ayos ang sarili niya bago magsalita sa harap ng publiko lalo na sa telebisyon- nababasa kasi sa kanyang kilos ang tunay niyang motibo sa pagpapa-interbyu.

Kaya ngayon, abogado na lang daw niya ang magsasalita. In fact, ang unang kalatas na ipinarating ng kanyang lawyer sa lahat ng babasahin ay ang demand letter na humihingi ng apology sa apat na member ng Philippine Footbal Team.

Pero matigas ang paninindigan ng manager ng apat na Azkals member na hindi sila titiklop sa mga kaeklatan ni Amanda.

Well, let’s wait and see na lang kung ano ang kahihinatnan ng isyung ito. May nangyaring rape ba talaga o ito’y simpleng sex orgy lamang? Just asking. Hahaha!

***

Para sa inyong mga katanungan, opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply