Dahil may pelikula: Cesar Montano binili ng caru ang anak na si Diego para good shot sa publiko!

NASABAY sa paggawa ng isang movie ni Cesar Montano sa Viva Films yung pagbili niya ng brand new car sa anak na si Diego Loyzaga. May mga nag-o-opinyong puwede raw kasing pahabain ang usapang kotse to promote himself kaya ginawa ito ni Cesar Motano.

By the way, Cesar Montano himself will direct the movie na siya ang bida. Si Sam Pinto ang makakasama niya’t posibleng isa rin si Aljur Abrenica sa kukunin niyang artista.

Heto na nga, naging controversial noon na isa sa mga dahilan kung bakit lumayas sa poder ni Cesar ang anak kay Teresa Loyzaga na si Diego. Una, kontra si Cesar sa maagang pag-aartista ng anak, pangalawa, ayaw nga raw niya itong ibili ng kotse dahil underage pa ito. Heto na ngayon, just for the sake of added publicity, bigla niya itong  ibinili ng kotse. Gaganda nga naman ang image niya’t hihinto sa pagkatsang si Teresa na nagbi-bitter-bitter-an dahil feeling nito, naargabyado ang anak sa piling ng mag-asawang Sunshine Cruz at Cesar Montano?

Now that the new car is in Diego’s possession, tiyak nang gaganda ang sasabihin ng publiko kay Cesar Montano.

By the way, napag-alamang second choice pala si Sam Pinto sa Hitman movie nila ni Cesar dahil kay Anne Curtis naka-earmark yung project, pero dahil nga busy si  Anne, si Sam ang next choice being the newest important star possession of Viva Films.

“E ano naman kung second choice, ang mahalaga, sa kanya napunta ang napakalaking chance na maging kapareha si  Cesar Montano,” ayon sa isang campo insider ni Sam Pinto.

***

HINDI nga naman magandang tingnan yung ibang mga naglalabasang kesyo ang mga babaing anak pa ni Robin Padilla ang naghabol sa mga boyfriends niya.

Noong araw, si Queenie Padilla ay naakusahang siya pa’ng dumadalaw kay Ejay Falcon. Noon, apektado talaga si Robin sa ganoong klaseng balita dahil nga di magandang tingnan na babae pa ang gumagawa nang ganun.

Pero after natiyak nitong hindi naman totoo ang balita dahil napatunayan niyang si Ejay Falcon ay mabait at responsableng bata, naging kampante na siya. Nakita niya na iginagalang nito si Queenie, na lumaon nga sinuportahan pa ni Robin ang kasintahan ng anak. Isinali pa ito sa mga proyekto niya kaya ngayon may magandang career si Ejay.

Kailan din lang umugong yung tsismis na itong si Kylie ay umaabot hanggang Batangas para makitulog kay Aljur. Meron ding tsismis na kumakalat sa Angeles City na madalas nakikita si Kylie sa siyudad na ito. Tagarito si Aljur at may nagwa-one plus one, creating the impression na hahabol-habol si Kylie kay Aljur Abrenica.

Medyo na-off si Robin sa ganitong mga balita because it puts his daughter in very bad light. “Dapat magsalita na si Aljur, dapat niyang ipagtanggol ang anak ko,” pakiusap pa raw nito.

As for the Angeles sightings kay Kylie, tagarito naman ang nanay niya at dito nakatira ang marami nilang kamag-anak, so posibleng umuuwi siya sa kanilang bahay dito. Pero yung sa Batangas, baka naman may project siya kaya nasa Batangas. Anyway, sinabi na nga ni Robin na pinalaki niya nang tama ang mga anak kaya alam naman daw nila ang tama at mali. Sinusuportahan daw niya ang lovelife ng mga anak pero ayaw naman niyang umabot sa puntong may lumabas na hindi maganda.

“Unang-una, babae ang anak ko at hindi magandang negative ang paningin ng publiko sa kanila. Aba’y ipagtatanggol ko naman ang mga anak ko para hindi naman lumabas na sila ang naghahabol.”

So there!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply