Dahil sa paulit-ulit siyang sinisiraan: Claire dela Fuente sasampalin ng P50-M libel suit si Cristy Fermin

SO nakakatawa naman talaga itong si Manang Cristy Fermin. Imagine, nagsi-celebrate siya ng kanyang birthday last Sunday sa kanilang “Chakarazzi” show, imbes na pasalamatan nito ang kanyang mga well wishers, hayun at nagtatarang na naman ito sa ere at hinambalos na naman ang walang kalaban-labang si Ms. Claire dela Fuente. Pinipilit talaga ng chaka at oslang kolumnistang TV host na ito na may utang talaga si Claire sa mag-asawang Ed at Rosa Rubio.

Mabuti na lang at sumabad ang co-host nitong si Dolly Ann Carvajal saba’y sabing napakaliit naman na halaga ang ibinibintang sa sikat na Diva, at kung totoo man ito, kayang-kaya niya itong i-settle dahil milyonarya at nagmamay-ari ito ng Bus Line company.

Kasi naman, ang kulit ng lomod na TV host (Cristy) na ito. Nilinaw na nga’t lahat-lahat ni Ms. Claire na wala siyang pagkakautang sa mag-asawang Rubio, pinipilit pa rin nitong palabasin na merong payables ang singer sa mga ito na nauna na ngang nagreklamo kay Raffy Tulfo sa Radyo Singko.

Hoy, Manang Cristy, makikiusap ba ang mag-asawang ‘yan sa kapatid na babae ni Claire na katiwala nito sa kanyang dalawang resto sa Macapagal Avuenue na huwag na silang sampahan ng kaso kung talagang si Ms. Claire ang may atraso sa kanila? Pano, takot na takot sila na makasuhan din ng BIR dahil puro peke na walang tatak mula sa nasabing ahensiya ang mga resibong ini-issue nila sa kanilang mga customer at isa na nga sa biktima nila ay si Clara mismo.

Naku, Manang Cristy, dahil sa hindi ka tumitigil at paulit-ulit mong sinisiraan sa iyong mga programa at kolum si Claire, mag-antay ka lang at malapit ka na niyang sampalin ng P50-million libel suit.

And this time, seryoso na ang Viva Recording Artist. Well, sanay na sanay ka namang mamasyal sa korte. Sa katunayan, sobrang miss na miss ka na nang mga inuutangan mo ng kape roon.

Hakhakhak!Loud and clear gyud!

***

‘Guns And Roses’ nina Robin, Bea punung-puno ng action scenes

BAGO umalis ang major cast ng “Guns and Roses” patungong Paris na kinabibilangan nina Robin Padilla, Diether Ocampo at Bea Alonzo kasama ang rumored boyfriend ni Bea na si Zanjoe Marudo para sa special promo ng kanilang serye roon ay sunud-sunod na araw ang ginawa nilang taping.

At very happy ang mga ito, dahil alam nilang consistent na malakas ang action serye nila na nasa week 8 na. We heard na hanggang sa September 23 pa mapapanood ang Guns and Roses at sa mga darating na episodes ay walang patid na hardcore action scenes ang ating makikita rito na siyang expertise ni Binoe at gustung-gusto sa kanya ng fans. Siyempre, ka-join din sa mga eksenang ito sina Pinky Amador na lider ng Sting Agent, Diether Ocampo, Ejay Falcon na gumaganap na kapatid ni Abel (Robin). Maliban sa paghihiganti at mga ipinaglalabang prinsipyo dito ni Abel ay ipinaglalaban rin niya ang kanyang pag-ibig kay Reign Santana played by Bea Alonzo, na gustong angkinin ni Marcus.

May isa pang contravida rito sa buhay ni Reign na ayaw silang patahimikin ng Inang si Isabel Rivas. Ito ay ang tiyahin ni Marcus na si Ms. Diane na ginagampanan naman sa eksperto sa character na itong si Gladys Reyes.

Napakaimportante rin ng role ni Mark Gil, na tunay na ama ni Reign pero kinamumuhian niya nang lubos.

Abangan ang mga madudugo pang eksena sa buhay ni Abel sa Guns and Roses na inyong mapapanood Lunes hanggang Biyernes sa Dos pagkatapos ng 100 Days to Heaven.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply