Daks na nota ng model actor bumulaga sa pictorial

SINO ang model-actor na may sexy pictorial para sa isang magazine pero mukhang di na gagamitin dahil grabeng lumabas. Bombastic talaga! Naka skimpy white briefs ang actor at medyo manipis ang suot na talagang bumakat ang ulo ng kanyang ibaba. Mukhang game naman ang subject dahil from normal to erect ay na-capture ng photographer ang bawat poses. Ha, ha.

@@@

ALWAYS pleasant ang beauty at dating ni Venus Raj sa “Umagang Kay Ganda.” Sanay na sanay na siya at kaya na niyang sumalo sa sarili just in case magkamali siya.

Amiable, sincere at magalang ang TV host. Mukhang gusto niya talaga ng kanyang bagong role at mukhang ginagawan niya ng paraan para mahalin ang kanyang propesyon.

@@@

IBA talaga si Amy Austria. Ngayong nakasentro na naman ang kanyang character sa “Minsan Lang Kita Iibigin,” inaabangan na naman ng fans ang kanyang fantastic acting this week. Sulit na sulit ang gabi everytime she’s there to deliver an acting masterpiece na sana’y matutuhan ng mga bagong artista.

Belated happy birthdays to Ciara Sotto (July 2) and Louie Heredia (July (3).

@@@

Price to pay

SAYANG talaga si Andi Eigenmann. Tahimik siya sa kanyang pregnancy issue pero maingay naman ang ibang family members about her situation. Tanging si Jacklyn Jose lang naman ang may K to speak in her behalf. And she did very well in her interview kay Mario Dumaual ng TV Patrol. May simpatiya kang madarama for her kasi mother na mother ang dating ni Jacklyn. Pero sa ibang TV programs naman, ang dami nang nakisawsaw para ma-justify pa ang kanyang pagbubuntis at mabuti nga daw na hindi ipinalaglag.

So ngayon parang tama pa pala si Albie Casino sa sarcastic comment niya noon. Biktima nga si Andi pero ginusto niyang makipag-sex at magpabuntis. She ruined herself and the many potentials to become more popular as a talented, single star.

Isa pang masisira nang husto sa publiko si Maricel Soriano dahil sa charges na pananakit sa maids na sinalbahe daw niya. Kung hindi siya tunay na guilty, mas okey sana na mag explain agad to clear her name and reputation. Kung nagkamali siya, magpaliwang na lang siya at mag-apologize.

After all, she’s just a human being. Sa panahong nakilala namin siya, she was nice, simple at down to earth. Lovable pa nga in her own way sabi nga ng writer na si JC Nigado. Alam ng lahat na marami siyang pinagdaanan. Naging biktima rin siya ng showbiz pero naging survivor siya. We pray for God’s guidance over her.

Bilib na bilib kay Lito Lapid

GOOD PR talaga itong si Lito Lapid sa mga taong nakakasalamuha nila in private. Maski walang press people, genuine ang kanilang pakikisama. Sabi yan ni Amy Abasola, band manager/supplier, who lives in Dau, Pampanga. She manages live band and acts as supplier of Casino Filipino Angeles, Casino Mimosa, Casino Widus, Casino Paranñaque, SM Clark/Pampanga, Carworld & some resto bars there.

Dati kong classmate sa St. Joseph School in San Jose City, she used to be with Intrepid Society band. “Kaya lang almost 3 years ko lang nagamit ang boses ko tapos nawala na. Now I have people na kayang-kaya nilang makipagsabayan sa mga Manila bands. Dami na nilang nilampasong banda. I have Selection, A21 na dating Merville, Las Guitaras (3 guys doing folk & country na malupit din and Tricom (comedy band) & Family 21,” she adds.

“Actually yung anak nyang si Mark ang direct client ko. Mabait talaga sa amin. Alaga niya kami, maalalahanin siya pag pinagset kami sa kanila pag may affair. Busog sa foods, drinks. Maasikaso talaga,” sabi ni Amy.

Lamang ba sila kumpara sa ibang clients. “Ay oo naman. Di tulad ng ibang celebs na nakasama naming na parang wala lang. Si Mark mismo umaasikaso sa amin, pati nga mommy at si Meynard, ‘yung bunso nila asikaso din kami. Mabait ang mag-anak na Lapid. Mahal sila dito ng mga tao, totoo ‘yun Ton. Sabi nga nila basta may problem, tawagan lang daw sila,” pagwakas ni Amy.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply