Dalaga nilasing bago pinilahan ng 3 manyakis

NILASING muna bago pinilahan ang isang dalaga ng tatlong panadero kabilang ang manliligaw ng una sa loob ng bakery sa Valenzuela City Miyerkules ng gabi.

Nadakip naman ang mga suspek na sina Richard Buraga; Ryan Huando at Jason Seneta pawang mga stay-in sa bakery sa Karuhatan ng naturang lungsod.

Sa pahayag ng biktimang itinago sa pangalang Cristy, 22, residente din ng lugar, niyaya siya ng manliligaw na si Buraga na mag-inuman sa pinapasukan nitong bakery kagabi.

Pumayag naman ang dalaga at pagsapit sa loob ng bakery ay nakitagay din ang dalawang suspek at dakong 11:30 ng gabi ay nalasing ang biktima.

Dito na lumapit si Buraga at niyakap ang biktima na nagpupumiglas subalit hindi niya kinaya ang lakas at tatlong suspek hanggang tuluyang magahasa ng manliligaw.

Nang matapos si Buraga ay sumunod namang nagparaos ang dalawa pang suspek bago pinakawalan ang dalaga.

Agad na nagpunta sa presinto ang dalaga na naging dahilan upang damputin ang mga suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply