Dalagita pinilahan ng ex-BF, 3 kabarkada

MASAKLAP ang sinapit ng isang dalagita matapos halinhinang halayin ng dating nobyo at tatlong kaibigan ng huli sa Caloocan City.

Pinaghahanap na ang suspek na nakilala lang sa alyas na Christian, 22 ng Langaray st., at tatlong hindi pa nakikilalang kabarkada nito na halinhinang gumahasa sa biktimang edad 17, kalugar ng mga suspek.

Sa pahayag ng biktima, noong Hulyo 1, 2011, dakong alas-7 ng gabi, papauwi na siya nang mapadaan sa bahay ni Christian kung saan nakita siya at tinawag upang pumasok sa loob.

Dahil tiwala naman ay nagpaunlak ang dalagita kung saan kanyang naabutang nag-iinuman ang mga suspek.

Matapos ang ilang tagay ay nalasing ang dalagita na sinamantala ng mga suspek at hinalay ang una nang paulit-ulit.

Bago pinauwi ay binantaan ang biktima ng mga salarin na papatayin kapag nagsumbong sa pulisya dahilan upang pansamantalang manahimik ang dalagita pero kalaunan ay nagsumbong din sa awtoridad.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply