Dalagitang ginahasa raw ng pari nawawala

NAWAWALA ang dalagitang ginahasa ng isang pari sa Agusan del Norte ayon sa ulat ng Municipal Social Welfare Officer (MSW) Sabado ng umaga, Hulyo 9, sa Tubay town.

Sinabi ni MSW officer, Isabelita Islabon, na sa kasalukuyan ay hindi matagpuan ang umano’y 17-anyos na biktima ng panggahasa at ang nanay nito.

Maalalang noong Hunyo 24, ang dalagita kasama ang kanyang nanay ay dumulog sa pulisya upang i-report na ginahsa siya umano ng kanilang parish priest nitong nakaraang Pebrero at Marso ngayong taon.

“We met with the mother and the girl on June 24. They were accompanied by women’s group Gabriela-Caraga Region Secretary General Atel Hijos. We even discussed plans about what to do with their allegations Fr. Raul Cabonce, our parish priest. But after that meeting, I could no longer contact them,” pahayag  ni Islabon.

Sinabi ni Islabon na nagtungo sila sa Missionary Sisters of Mary (MSM) convent sa Kilometer 4, Barangay Ba-an, Butuan City, kung saan ang mag-ina ay pansamantlang tumutuloy pero sinabi ng convent head  na si Sister Rachel Sarigumba na ang mag-ina ay umalis matapos magpalaam na uuwi sa kanilang bahay sa Las Nieves town.

Sinabi rin ni  Islabon na bago dumating ang mag-ina sa kombento, sinabihan siya ng  Gabriela’s Hijos na ang mag-ina ay wala na sa kostodiya ng nasabing grupo.

“I tried several times but failed to contact Hijos because her mobile phone was unattended,” sambit ni Islabon.

Sinabi pa nito na tinangka rin nyang tawagan si Sister Sarigumba pero hindi niya ito mahagilap at wala ring makasagot sa kanyang mga katanungan sa mismong MSM convent.

Nakatakdang sumailalim ang biktima sa isang medical examination noong nakaraang Hunyo 27 pero sinabi ni but Islabon na hindi na ito nagpakita.

Inasakuhan umano ng biktima si Fr. Cabonce ng dalawang beses na panggagahasa na naganap noong Pebrero 3 at Marso 14.

Ayon pa sa biktikma, naganap ang panghahalay sa loob mismo ng Tubay Parish Convent kung saan siya namamasukan bilang kabayaran sa kanyang pag-aaral sa high school.

Itinaggi naman ni Fr. Cabonce ang alegasyon. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply