Dalawa na lang ang natira sa No. 2 slot

MULA sa dating tatlong team na Talk ‘N Text, Barangay Ginebra at Rain or Shine na pawang tangan ang 3-2 win lose slate ay natira na lang ang Tropang Texters at Gin Kings sa pagsampa sa 4-2 win lose record nang sumadsad ang Elasto Painters sa ikaapat na puwesto nang gulantangin ang Alaska Aces sa iskor na 88-83 para magkapantay ang dalawa sa PBA Governors Cup habang nalalapit na ang pagtatapos ng single round elimination.

Nakasampa naman sa segunda puwesto ang Tropang Texters nang alisan ng kuryente ang MeralcoBolts 93-91 nang bumulusok sa ikaanim na baitang sa 19 komposisyon ang tropa ni  coach Ryan Gregorio.

Maghaharap bukas, Biyernes sa Big Dome ang BMeg Llamados (3-4) at wala pang panalong Air21 Express (0-6) na susundan ng labanan ng Powerade Tigers (2-4) at ng topnotcher na Petron Blaze.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply