Dalawang direktor ng PCSO may kasong estafa

SA pagsisiwalat sa mga anomalyang nagaganap sa loob ng Philippine Charity Sweepstakes Office partikular kung napupunta ang multi-bilyong pondo ng ahensiya, ito rin  pala ang kinakaharap na kaso ng dalawang miyembro ng board of directors ng PCSO.

Kasong esfata ang kinakaharap ni Atty. Aleta Tolentino at Francisco Joaquin III  dahil sa hindi pagre-remit sa kontribusyon ng mga emplayado sa SSS at pag-iisyu ng talbog na tseke.

Sina Tolentino at Joaquin ay kapwa aktibong nanunungkulan sa PCSO sa ilalim ng administrasyong Aquino na ang isinusulong ay  ang “ daang matuwid.”

Nananatiling nakabinbin ang kaso ni Tolentino sa Regional Trial Court ng Calamba, Laguna makaraang maghain nang estafa case ng mga empleyado nito sa ng Pamana  Goldencare Medical Center Foundation Inc. dahil sa hindi pagreremit ng kanilang kontribusyon sa Social Security System.

Humigit-kumulang sa 80 empleyado ng Pamana ang umaasa na may makukuhang benepisyo sa SSS dahil sa buwan-buwan naman silang kinakaltas sa SSS mula sa kanilang sahod.

Subali’t hindi nila alam na hindi pala inireremit ang nasabing kontribusyon na kung saan ay hindi maipaliwanag ni Tolentino kung saan napunta ang kanilang pera.

Nabatid sa record ng SSS Calamba branch,  umaabot sa P672,565.00 ang hindi nabayaran ng nasabing foundation simula noong May 1999 hanggang Aug 2000.

Ang nasabing foundation na pinamunuan ni Tolentino ay nasa Brgy. Halang, Calamba, Laguna.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nadedesisyunan ang nasabing kaso ni Tolentino at nananatiling naghihintay ang mga empleyado nito  dahil ang pinaglalaban naman nila ay ang kanilang karapatan na makakuha ng benepisyo mula sa SSS.

Katulad ni Tolentino, nahaharap din sa kasong estafa si Francisco Joaquin III makaraang mag-isyu ng tseke sa isang nagngangalang Antonio Chua noong Abril 9, 1987 na nagkakahalaga ng P50,000.00.

Tumalbog ang tsekeng ibinigay  si Joaquin  kay Chua at napag-alamang “account closed” na pala kaya “guilty” ito sa kasong anti-bouncing check sa Regional Trial Court ng Pasig City.

Napag-alaman na hindi lamang sa Pasig may kaso si Joaquin kung maging sa Quezon City at Marikina Trial Court sa parehong  umanong kaso ng estafa.

Bukod dito, nabatid pa na pinsan umano ni Transporatation Secretary Mar Roxas si Joaquin.

Sa mga kasong kinakaharap nina Tolentino at Joaquin, malinaw ang nakapaloob sa civil service rules, “ no person accused of a crime or wanted by the law can assume a government post until after the resolution of their cases in court.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply