Dalawang male TV host nade-develop na sa isa’t isa

MARAMI ang nakakapansin sa dalawang male TV host na ito na palaging nakikitang magkasama sa mga lakaran. Kapag ang isa sa kanila ay invited sa isang event ay
sasama ang isa kahit hindi siya invited. Gusto lang niyang samahan ang kanyang kaibigang TV host din sa lakad. Madalas na nagbabantayan ang isa’t isa sa kanilang mga pinupuntahang lugar o event. Madalas ding napapansin sila ng kanilang mga nakakatrabaho dahil sa kakaibang closeness nilang dalawa.

Super sa ka-sweetan daw ang dalawang male teevee host na ito. Minsan daw ay nakikita silang kumakain sa iisang plato? Huh?

Parehong may karelasyong babae ang mga TV hosts na ito pero bakit silang dalawa ang palaging magkasama sa lakad at hindi ang kanilang mga karelasyong babae? May mga bulung-bulungan kaming naririnig na may ‘something’ raw na nangyayari sa dalawang ito.

Dahil daw sa halos araw-araw na silang magkasama sa mga lakad kung kaya’t nadevelop na sila sa isa’t isa. Nakapagtataka nga lang kung bakit ang mga karelasyon nilang babae ay hindi nagtataka at nagseselos sa magandang pagtitinginan nilang dalawa. Mas priority ng dalawang ito ang bonding nila kaysa sa bonding nila sa kani-kanilang girlfriend. (Hahaha! Ang sweet naman! – Ed)

Naku, kakaiba nga naman ang dalawang TV host na ito.

@@@

Marcelito liligawan si Kris Aquino

NAKATUTUWA si Marcelito Pomoy, ang Grand Champion ng Pilipinas Got talent Season 2 dahil type din pala niya ang Queen of All Media na si Ms Kris Aquino. Sa kanyang interbyu sa program ni Tito Boy Abunda at Bianca Gonzales na “SNN,” tinanong si Marcelito ng isang fan na kung may plano siyang ligawan si Kris.

Nakaloloka ang sagot ni Marcelito. Ayon sa kanya, hindi pa raw niya alam. Ibig sabihin may plano nga siya? What? Ano kaya ang reaksyon ni Kris dito?

Isa pa, naintriga kami kaya ang tanong namin kay Marcilito ay kung bakla ba raw siya?

Sagot naman niya ay lalaki raw siya at hindi bading. Madalas nga naman mapagkakamalan siyang bading dahil ang tipo ng kanta na inaawit niya ay halos kanta ng mga babae at pati na boses niya ay pa-girl.

Pero sa kabilang banda, nakatutuwa naman si Marcelito dahil ang pagpupursige niyang mabuo ang kanyang pamilya ay nagkatotoo na. Ngayong mayaman na siya at sikat na ay matutupad na niya ang mga plano niya sa kanyang pamilya na mabigyan sila ng magandang buhay.

Maibibigay na niya ang karangyaan na gusto niyang ibigay sa kanyang pamilya.

Dahil diyan napakaraming mga kababayan natin ang humahanga sa hangarin ng bagong winner ng PGT.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply