Dapat managot ang mga tiwali

KAPAG katiwalian ang pag-uusapan, ito ang isyu na palaging binibigyang diin ng naging mga Pangulo ng Pilipinas.

Kasi nga, katiwalian ang sanhi ng ‘di pag-angat ng bansa dahil ibinubulsa ng mga ‘corrupt’ sa gobyerno ang dapat sana’y sa kaban ng bayan.

Sa kasalukuyang administrasyon, nababanaag natin ang pagkilos ni Pangulong Noynoy Aquino laban sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno.

Sa totoo lang, kapuri-puri ang determinasyon ni PNoy na tuparin ang kanyang pangako na puksain ang katiwalian sa gobyerno.

Unti-unting nadidiskubre ng Aquino administration ang ginawang pagnanakaw ng mga dating opisyal ng administrasyong Gloria Arroyo.

Nariyan ang ZTE-NBN deal, P728 million fertilizer fund scam, Philippine Charity Sweeptakes irregularity at kung ano-ano pang scam.

‘Di biro ang nawalang halaga na ninakaw  sa kaban ng bayan ng  hinayupak na mga corrupt na alipores ni Aling Gloria.

Tama…ratratin mo, Pangulo, ang mga ‘corrupt’ na dahilan ng paghihirap ng Pinas. Dapat sa kanila’y maparusahan.

Nakatutuwa…dahil nakikita natin ang pagpupursige ni PNoy na baguhin ang sistema ng hustisya ng bansa na minsang naging bulag sa maling gawain ng mga taong malalakas at maiimpluwensya sa nakalipas na pamahalaan.

Klaro na mahigpit ang pagbabantay ng pamahalaan sa pagbuo ng mga kaso ng kinauukulang mga ahensya ng pamahalaan, lalong-lalo na ang Office of  the Ombudsman laban kay Ginang Arroyo at mga kasapakat nito.

Correct si Pangulong Aquino na igiit ang kahalagahan na maibalik ang huminang pagtitiwala ng publiko sa mga institusyon ng bansa at tiyaking ‘di papabor ang constitutional na tanggapan sa mga malalakas at maiimpluwensya.

GREETINGS…

Pinapabati ni Marcy G. Bonifacio ng Malabon city Hall si Janine Y. Torio na magdiriwang ng kanyang kaarawan bukas, Hulyo 15.

Happy birthday rin kina Kevin Chikmagnet (July 22) at Charry (July 30) at belated happy birthday kina Jalen (July 8), Charice (July 11) at Drew Bryant (July 12). Ang pagbati ay mula kina Pachog at Mafids, Diko, Karren, Jareina, Jannah, Fritz and Krizie.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply