Dapat nang magpatingin sa isang psychiatrist si Marian

AYAW pang deretsahin ni Heart Evangelista si Marian Rivera. Ayaw pa nitong sabihin na kung hindi patitigilin ni Marian ang fans n’ya, pati na rin siguro ang fans ng loveteam nila ni Dingdong Dantes, sa pagpapadala ng kung anu-anong banta, wala siyang choice kundi idemanda ang Kabitenyang aktres.

Nagpa-press conference si Heart nung Huwebes ng tanghali sa Barrio Fiesta restaurant sa Greenhills (na maaaring pag-aari ng pamilya niya; isa siyang Ongpauco sa tunay na buhay). May kasama siyang dalawang abugado na hindi umalis sa tabi n’ya kahit na nung tapos na ang press-con proper at ang TV crews na lang ang nagsisik-sikang mag-interbyu sa kanila.

Hindi raw para i-announce na magdedemanda na sila kaya sila nagpa-press-con. Gusto lang daw i-air ni Heart ang side n’ya sa nangyayaring kontrobersya sa pagitan niya at nang parang napaka-insecure at napaka-possessive na girlfriend ni Dingdong. Nauna na raw kasing magpainterbyu at kumatsang sa press si Marian – at binaliktad umano nito ang katotohanan.

Halos mangiyak-ngiyak na ipinagtapat ni Heart nung tanghaling yon na dalawang beses siyang sinugod ni Marian sa dressing room n’ya pagkatapos umanong mabasa (o mabali- taan) ang pahayag ni Heart na “excited na akong makatrabaho si Dingdong.” Okey lang daw na gumawa ng pelikula si Heart na katambal si Dingdong pero huwag na lang daw nitong uulitin ang pahayag na excited siyang makatrabaho ang aktor.

“I think that was just the proper thing to say. Alangan namang sabihing kong hindi ako excited at all,” pangangatwiran ni Heart.

Binantaan daw siya ni Marian na kapag inulit pa n’ya ang pagsasabi nu’n, ipapatay daw siya ni Marian sa fans nila ni Dingdong. At magmula nga raw nu’n, nagsimula na siyang makatanggap ng texts ng pagbabanta. May isa pa nga raw nag-text na bubuhusan n’ya ng asido ang mukha ni Heart at wala siyang pakialam kung mabilanggo siya sa paggawa nu’n.

Inaamin ni Heart na natatakot siya sa mga bantang natatanggap n’ya. Gayunpaman, hindi naman daw siya nagdagdag na bodyguard. Isa pa lang din daw ang bodyguard n’ya.

“I don’t understand why she thinks my teaming with Dingdong can affect their relationship. Everyone knows naman na may boyfriend ako. Actually, Marian and I were okay until she heard about my saying na excited na akong makatrabaho si Dingdong,” pangangatuwiran pa n’ya.

Noon ay napabalitang ikinulong ni Marian si Bela Padilla sa isang comfort room at sinurut-surot ito na tigilan ang umano’y “paglalandi” ng noon ay baguhang aktres sa dini-Diyos na yata n’yang si Dingdong. Sa press-con ni Heart, may reporter na nag- tanong sa kanya kung sa dressing room lang siya tinalakan ni Marian at hindi ikinulong sa CR. Nakuha pang mangiti ni Heart sa tanong na yon, at sumagot naman siya na hindi naman sila umabot sa puntong ikinulong siya ni Marian.

May mga witness daw sa dalawang  beses na pagsugod ni Marian kay Heart “in a span of one hour.”

Itinanggi ni Heart na tinarayan si Marian ng mommy n’ya sa airport kamakailan. Hindi rin daw totoong may escort na sampung pulis ang mommy ni Heart nung salubungin nito ang anak sa airport.

Deretsahang tinanong namin ang mga abugado ni Heart kung sumulat na sila, o kung may balak silang sumulat, sa GMA Network executives para pagbawalan si Marian sa pante-terroize kay Heart. Wala pa raw silang balak gawin yon. Actually, ang ini-expect daw nila ay pag nabalitaan ni Marian ang pagpapa-press-con ni Heart at ang pagtatapat nito sa press sa umano’y panunugod nito kay Heart, kusang mag-a-apologize si Marian kay Heart at patitigilin ang mga fans niya sa pagti-text ng mga banta kay Heart.

“I’m here to work. I want to be at peace with everyone. I really don’t want to make an enemy out of Marian or anybody,” mistulang nagsusumamo pang pahayag ng boyfriend ng Brazilian-Japanese model-actor na si Daniel Matsunaga. Hindi pinapunta ni Heart si Daniel sa press-con na yon dahil wala naman daw kinalaman ito sa nangyayari sa kanila ngayon ni Marian.

Actually, nasa loob din ng restoran nung press-con na yon ang mommy ni Heart. Pero ni hindi ito nagpakilala sa press. Nung papaalis na kami ay saka lang namin nalaman na yung elegante at grasyosang babae na nagsasabing huwag kaming magmadaling umalis dahil magsi-serve pa ng meryenda (tapos na kaming mag-lunch sa press-con) ay ang mommy ni Heart (na ang alam naming pangalan ay “Cecille”).

Si Marian ang may record na nang pagiging palaaway, lalo na sa mga babaing pinag-seselosan n’ya may dahilan man o wala. Hindi kaya dapat na siyang magpa-counselling?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply